^

Metro

Carwash boy inutas ng 2 kabaro

-

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 32-an­yos na carwash boy matapos itong pagtulu­ngang saksakin ng dalawa nitong kasama sa trabaho sa Barangay Nagkaiasang Na­yon Novaliches sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PO3 Alvin Quisumbing ang biktima na si Bernardine Mendoza, tubong Batangas, ng Block 25, Lot 25, Palmera Homes, Bagumbong, Caloocan City.

Tugis naman ng pulisya ang mga suspect na sina Gerry Diaz, 32, tubong Northern Samar, at nakatira sa # 64 Damong Maliit Street sa nabanggit na barangay at ang kasamahan na nakilala lamang sa alyas Tony.

Sinasabing si Mendoza at dalawang suspect ay ilang linggo pa lamang nagsisimula sa nasabing trabaho kung saan mas pinagkatiwalaan ng amo ang biktima dahil marunong sa ginagawa.

Natukoy naman ang mga suspect sa sulat na iniwan sa kanilang amo na nagsasaad ng paghingi ng paumanhin sa nagawang krimen sa biktima dahil sa pagiging arogante nito kaya nila nagawa ang pamamaslang. (Ricky Tulipat, Keneth Punzalan –trainee)

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

BERNARDINE MENDOZA

CALOOCAN CITY

DAMONG MALIIT STREET

GERRY DIAZ

KENETH PUNZALAN

NAGKAIASANG NA

NORTHERN SAMAR

PALMERA HOMES

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with