^

Metro

Beauty salon hinoldap

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dahil mainit na sa mata ng mga awtoridad ang riding­-in-tandem, lumalakad na nang mag-isa ang holdaper upang walang maging sagabal sa kanilang modus operandi.

Ito ang sinabi ni SPO1 Johhny Sales ng Quezon City PNP District Station 10, matapos holdapin ng nag-iisang rider ang beauty salon sa Brgy. Pinyahan kamakalawa.

Ayon kay Sales, nagiging maingat ngayon ang mga tandem dahil sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kanila.

Binigyang halimbawa ni Sales ang naganap na holdapan sa Salon de Ri­hanna sa Malakas St. sa nasabing barangay.

Nabatid na pinasok ng rider na naka-bonnet at itim na jacket ang nasabing salon saka nagdeklara ng holdap.

Agad na tinutukan ng baril ang mga kawani at customer ng salon saka nilimas ang P7,400 cash at mga mahahalagang gamit tulad ng cellphone, iPad at iPhone.

Matapos ang panghoholdap ay mabilis na tu­makas ang suspect  sakay ng motorsiklo.

Dahil dito, nagbabala si Sales sa publiko na dag­dagan ang pag-iingat at maging mapagmasid sa mga taong nakamotorsiklo upang hindi mabiktima.

vuukle comment

AYON

BINIGYANG

BRGY

DAHIL

DISTRICT STATION

JOHHNY SALES

MALAKAS ST.

MATAPOS

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with