^

Metro

Obispo, Baseco residents nagalak sa itatayong simbahan

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hindi pa man naitatayo ang simbahan ay lubos na ang na­ging kasiyahan ni Bishop Roderick Pabillo at mga residente ng  Baseco   Compound sa Tondo, Maynila matapos na mag-donate si Manila Mayor  Alfredo Lim  ng 1,000 sq. meters na lupa dito.

Itatayo ang simbahan sa likod ng  Cory Aquino High School na ipinatayo din ni Lim upang mabigyan ng  maayos at libreng high school ang mga estudyante.

Ang lot donation ay bahagi ng ginawang pagbisita ng alkalde kasabay ng paggunita ng `Earth Day’ sa lungsod kabilang na ang pagpapalaganap sa pagbibigay ng proteksiyon sa kapaligiran at pagtitipid.

Dito ay pinangunahan ni Lim ang pagtatanim ng  mangrove at `nilad’ plants  at pagkakaroon ng commitment signing para sa malinis  na Baseco.

Kabilang din sa mga dumalo sina chief of staff at media bureau director Ric de Guzman, department of public service chief ret. Col. Carlos Baltazar, sanitation division chief Atty. Amando Te­tangco gayundin ang mga hospital directors na pinangungunahan nina  Dr. Ted Martin ng Jose Abad Santos General Hospital, Dr. Vangie Morales ng Ospital ng Maynila, Dr. Edwin Perez ng Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center at Dr. Mario Lato ng Sta. Ana Hospital at barangay chairman Kristo Hispano.

Nagpasalamat naman si Pabillo sa alkalde sa pagpapatayo ng mga elementary at  high school  para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.

Samantala,  nanawagan din si Lim sa mga residente na labanan ang pananabotahe ng ilang sektor kung saan sinisiraan ang mga ospital sa Maynila sa pagsasabing walang doktor  o gamot sa mga ito.

“Nakakalungkot na hanggang ngayon ay may mga nananabotahe sa ating mga ospital kaya sana ay tulungan ninyo kami na mahinto ang ganitong gawain. Kunin n`yo ang pangalan ng mga nagsasabing walang doktor o walang gamot para ating maaksyunan dahil walang katotohanan `yun,” dagdag pa ni Lim.

vuukle comment

ALFREDO LIM

AMANDO TE

ANA HOSPITAL

ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

BASECO

BISHOP RODERICK PABILLO

CARLOS BALTAZAR

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with