^

Metro

Seaman sinapian, vendor tinodas

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang bulong umano ang nagsilbing hudyat sa isang dating seaman upang saksakin at mapatay nito ang isang  vendor kamakalawa ng gabi sa Tondo, May­nila.

Inoobserbahan habang  nakakulong  si  Elmer Guerrero, 56, ng no. 97-A Romualdez St.Magsaysay Village,Tondo,Maynila, matapos na pagsasaksakin si Rolando Guerrero, 57, ng no. 97 Aguinaldo St. Magsaysay Village, Tondo. Idineklara itong dead-on- arrival sa Tondo General Hospital.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ronald Gallo,ng MPD-homicide section, nangyari umano ang insidente dakong alas-3 ng hapon sa harap ng isang meat shop na pag-aari ng kapatid ng suspect na si Jocelyn.

Kasalukuyang naroon din ang  biktima na nagpapalit ng pera.

Nang makita ng suspect ang biktima ay agad itong nilapitan at walang sabi-sabing sinaksak ng dalawang ulit.

Nang makita ng anak ng biktimang si Joselito ang ginawa ng suspect ay kaagad itong tumakbo papunta sa suspect na mabilis namang nagtatakbo sa loob ng kanilang bahay at nagkulong.

Kaagad naman isinugod sa hospital ang biktima, habang humingi naman ng tulong si Joce­lyn kay Bgy. Chairwoman Cherry Rovilla,ng Brgy 100,Zone 8 na siyang kumumbinsi sa suspect na sumuko.

Ibinigay naman ng suspect ang patalim na ginamit kay Rovilla, na noon ay nakitang nakaupo sa isang sulok ng ikalawang palapag ng kanyang bahay.

Ayon sa suspect, may bumubulong sa kanya na saksakin ang biktima na kanya namang sinunod.

Sinabi naman ni Jocelyn na kapatid ng suspect, may history ng “mental illness” ang kapatid at  naipasok na ito sa Mental Hospital.

vuukle comment

A ROMUALDEZ ST.

AGUINALDO ST. MAGSAYSAY VILLAGE

CHAIRWOMAN CHERRY ROVILLA

ELMER GUERRERO

JOCELYN

MAGSAYSAY VILLAGE

MENTAL HOSPITAL

NANG

ROLANDO GUERRERO

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with