^

Metro

100 kabahayan nasunog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang patay makaraang ma-suffocate sa sunog na lumamon sa may 100 kabahayan sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Kinilala ni Supt. Bobby Baruelo, hepe ng Quezon City Fire Station ang nasawi na si Andy Gonzales, 40, ng #3 West Riverside, Brgy. Damayan sa lungsod.

Sinasabing si Gonzales ay hindi na nakalabas pa sa lugar na nasusunog na kabahayan matapos na matrap sa isang dead end na kalye malapit sa chapel ng nasabing barangay.

Sa kasalukuyan, wala pang maibigay na detalye si Baruelo kung kaninong tahanan nagsimula ang apoy, dahil patuloy ang ginagawa nilang mopping operation.

Nagsimula ang sunog ganap na alas-3:45 ng hapon nang bigla na lamang maglagablab sa isang tahanan dito. Dahil pawang mga gawa lamang sa light ma­terials ang bahay ay mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa umabot ito sa Task Force Alpha.

Ganap na alas-4:40 ng hapon nang ideklarang fire undercontrol ang sunog habang patuloy ang ginagawang pagsisiyasat dito.

vuukle comment

ANDY GONZALES

BARUELO

BOBBY BARUELO

BRGY

DAHIL

DAMAYAN

GANAP

QUEZON CITY FIRE STATION

TASK FORCE ALPHA

WEST RIVERSIDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with