^

Metro

Suspek sa holdap binoga ng pulis, grabe

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isa sa dalawang kala­lakihan na nangholdap sa mga pasahero ng sa­sakyan ang nasa ma­lubhang ka­lagayan ma­tapos mabaril ng pulis na kanilang tinangkang bik­timahin kama­kalawa ng gabi sa Marikina City.

Isinugod sa Amang Rodriguez­ Memorial Me­dical Center dahil sa tama ng bala sa sikmura na si John Astropid “Kulit” Ortiz, 32, ng #55 Magsaysay St., Brgy. Parang habang pinaghahanap naman ang nakatakas na kasama nito na si alyas Ritchie.

Sumuko naman sa pu­lisya at nagpasailalim sa imbestigasyon ang nakabaril na si PO3 Orlando Flores ng PNP-Manila Maritime Station.

Sa ulat ng Marikina City PNP, naganap ang panghoholdap dakong alas-7 ng gabi sa loob ng pampasaherong FX (PWT-178) ni Ronald Zapata sa kahabaan ng J.P. Rizal St. sa Brgy. Concepcion 1 kung saan sakay rin si PO3 Flores.

Kinulimbat ng da­lawa ang mga maha­halagang gamit at pera ng limang pasahero at saka bumaba sa nabanggit na lugar. 

Dito na sinundan ni PO3 Flores ang dalawang holdaper kung saan sa halip na sumuko ay tinangkang magpaputok ng baril ni Ortiz kaya napilitan siyang unahan ito. 

Agad namang nakatakas ang kasamahan ni Ortiz habang nakumpiska dito ang cal .38 revolver.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ

BRGY

JOHN ASTROPID

MAGSAYSAY ST.

MANILA MARITIME STATION

MARIKINA CITY

MEMORIAL ME

ORLANDO FLORES

ORTIZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with