^

Metro

Driver sinumpak ng kabaro, patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang hinamon na iputok ang baril, kaya tinuluyan ang 50-anyos na pedicab driver ng kanyang kabarong driver matapos mabaril sa inuman sa Balut, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw. 

Kinilala ng pulisya ang bikimang si Luis Viador ng # 2365 Buendia Street sa nasabing lugar.

Tumakas naman agad ang suspect na  si Mario “Boy Bisaya” Amaba, 40, pedicab driver, ng Moderno Street sa Balut, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:35 ng ma­daling araw nang napatay ang biktima sa tabi ng Babes & Boy BBQ & Seafood Grill sa  panulukan ng Buendia at Honorario Lopez Streets.

Habang nag-iinuman ang magkaibigang drayber at ang dalawang drayber na sina  Armando  Gonzales at Kenneth Asebais ay pabiro pang inudyukan ng biktima ang suspect na huwag na lamang ipagyabang kung hindi naman  kayang iputok.

Kaya na-challenge umano ang suspect at kinargahan ng bala at pabiro rin umanong itinututok sa mga kainuman subalit biglang pumutok at sa biktima tumama ang bala.

vuukle comment

BERNARDO CAYABYAB

BOY BISAYA

BUENDIA STREET

HONORARIO LOPEZ STREETS

KENNETH ASEBAIS

LUIS VIADOR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MODERNO STREET

SEAFOOD GRILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with