^

Metro

Sekyu tigok sa boga

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Masusing imbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng pulisya sa pagkakatagpo sa bangkay ng isang security guard sa Sta. Mesa, Maynila kahapon ng madaling araw.

Duguang nakaupo, nakasandal ang ulo sa pader at wala na rin ang service firearm, sa  binabantayang establisimyento ng biktimang si Saderico Marteja, 51.Hinihinalang may ilang oras na itong patay

Hindi pa tukoy ang mga suspect na posibleng may malaking galit sa biktima dahil  ang kalibre .38 na baril lamang nito ang natangay at intact ang mga gamit at wala umanong nawawala sa showroom na binabantayan nito.

 Sa report ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District -Homicide  Section   naganap ang insidente sa pagitan ng 1:00 hanggang 1:15 ng madaling-araw sa loob ng DMCI Home Sales office sa JNT Bldg., Ramon­ Magsaysay Blvd., corner Santol Extn., Sta Mesa.

Nakita pa ng mga barangay tanod na buhay pa ang biktima at makalipas ang ilang minuto ay nakitang duguan at patay na ito.

 Nabatid na may tama ng bala sa ulo at saksak sa panga at lalamunan  ang biktima.

vuukle comment

DUGUANG

GLENZOR VALLEJO

HINIHINALANG

HOME SALES

MAGSAYSAY BLVD

MANILA POLICE DISTRICT

SADERICO MARTEJA

SANTOL EXTN

STA MESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with