^

Metro

Babaeng tumalon sa mall, kilala na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Lumalabas na nawala sa sariling pag-iisip makaraang hindi ma­kainom ng gamot sa kanyang karamdaman ang babaeng tumalon at nasawi buhat sa ikatlong palapag ng isang shopping mall sa Las Piñas City nitong nakaraang Martes.

Kinilala na ng kanyang mga kaanak ang biktima na si Celedonia Aquino, 55, balo at dating naninirahan sa Carmencita Village, Admiral, ng naturang lungsod.

Ayon kay PO1 Ernesto Bautista Jr. ng Station Investigation Division ng Las Piñas City Police, naging daan sa pagkakilala sa biktima ang nakuha nilang sim card sa wallet na nakalagay sa bulsa ng jogging pants.

Nang kanilang tawagan ang isang numerong nakalagay sa sim card, dito nila nakontak si Alvin Aquino, anak ng biktima. Agad na nagtungo sa morgue ng Las Piñas City Medical Center si Alvin at po­sitibong kinilala ang ina.

Sa salaysay ni Alvin, may karamdaman ang kanilang ina na kapag hindi nakakainom ng gamot ay nawawala sa katinuan at nagwawala.  Maaari umanong nawala sa pag-iisip ang kanyang ina nang natanggal ang talab ng huling gamot na nainom nito.

Matatandaan na nasawi ang biktima nang tumalon umano buhat sa ikatlong palapag ng isang mall sa Alabang Zapote Road pasado alas-4 ng hapon nitong nakaraang Martes. 

Hinablot pa umano ng biktima ang isang batang babae sa kanyang pagtalon ngunit ma­su­werteng nakahulagpos ito.

vuukle comment

ALABANG ZAPOTE ROAD

ALVIN

ALVIN AQUINO

CARMENCITA VILLAGE

CELEDONIA AQUINO

CITY MEDICAL CENTER

CITY POLICE

ERNESTO BAUTISTA JR.

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with