^

Metro

Katiwala patay sa heat stroke

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Heat stroke ang sinasabing pumatay sa 26-anyos na katiwala noong Huwebes ng tanghali sa Mandaluyong City. Ang biktima ay kinilalang si Melpert Regino, stay-in sa BFF Industry sa Cordillera St., Brgy. Highway Hills sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO2 Danilo Patoc ng Criminal Investigation Unit, nadiskubre ni Sofronio Mangcol ang bangkay ng biktima ganap na alas-12 ng tanghali.

“Ginigising ko siya dahil tanghali na pero nagtaka ako kung bakit malamig at matigas na kaya agad kong ipinaalam sa kanyang kapatid na si Maricel,” pahayag ni Mangcol kay PO2 Patoc.

Pinaniniwalaan ng pulsiya na nasawi ang biktima dahil sa matinding init ng panahon noong Huwebes dahil walang nakitang sugat na posibleng  palatandaan na may naganap na foul play sa pagkamatay nito. Maging ang mga kamag-anakan ng biktima ay naniniwalang posibleng heat stroke ang ikinamatay ng binata dahil tumanggi na rin ang mga ito na ipasailalim pa sa medico legal examination.

vuukle comment

BRGY

CORDILLERA ST.

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DANILO PATOC

GINIGISING

HIGHWAY HILLS

HUWEBES

MANDALUYONG CITY

MELPERT REGINO

SOFRONIO MANGCOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with