^

Metro

Holdaper itinumba ng 3 pulis

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi na pinaporma pa ng pulisya ang ’di kilalang lalaki na sinasabing holdaper matapos mabaril sa Quiapo, Maynila kahapon ng umaga.

Kasalukuyang bine­be­ripika ni SPO2 Glenzor Vallejo ng MPD-Homicide Section ang pagkakakilanlan ng lalaki na nasa edad  35-40, 5’6’’ ang taas, pinaniniwalaang miyembro ng Sputnik Gang dahil sa tattoo ng cobra sa dibdib, nakasuot ng asul na maong shorts, itim na medyas, rubber shoes at naka t-shirt na puti.

Lumilitaw na sinita ni P/Insp. Armand Macaraeg, kasama sina PO1 Mark Jason Paez at PO1 Aljimar Ammar ang lalaki dahil sa mistulang nag-aabang ng mabibiktima at hindi mapakali sa pagsulyap sa mga paparating na tao habang nakatambay sa panulukan ng Nepomuceno at Legarda Streets.

Sinubukang kapkapan ng tatlong pulis upang rekisahin ang nakabukol sa beywang subalit binunot nito ang baril at nagtangkang manlaban.

Dito na agad na binaril ng grupo ni Macaraeg ang ’di-kilalang lalaki kung saan tinamaan sa ulo at pisngi.

vuukle comment

ALJIMAR AMMAR

ARMAND MACARAEG

DITO

GLENZOR VALLEJO

HOMICIDE SECTION

KASALUKUYANG

LEGARDA STREETS

LUMILITAW

MARK JASON PAEZ

SPUTNIK GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with