^

Metro

Shootout: 2 hijackers bulagta

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang hini­hinalang mga hijacker na nagtangkang tuma­ngay sa isang delivery van ng isang remittance company makaraang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Inisyal na nakilala ang mga napaslang na suspek na sina Ronald Impante, 33, ng Sta. Cruz, Maynila at Genny Alamon, 35, ng Caloocan City.

Sa ulat ng Southern Police District-Public Infor­mation Office, naganap ang barilan dakong alas-9 ng gabi sa South Superhighway sa kanto ng Lacuna St., ng naturang lungsod.

Ayon sa driver ng de­livery van ng LBC na humi­ling na itago ang pa­ngalan, nag-cut sa kanyang daanan ang dalawang armadong suspek na sakay ng isang motorsiklo at saka siya tinutukan ng baril. Sa kabila nito, binangga ng driver ang motor ng dalawang suspek saka pinaharurot ang van.

Hinabol naman ang van ng mga hijacker kaya nagdesisyon ang driver ng van na tumawid sa center island kung saan nakuha naman nito ang atensyon ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Police Com­munity Precinct 3 ng Makati City Police.

Dito hinabol ng mga pulis­ ang mga suspek hanggang sa masukol ang mga ito. Pinaputukan umano ng mga salarin ang mga humahabol na alagad ng batas na gumanti naman ng putok sanhi ng pagkamatay ng dalawang suspek.

Nakuha sa posesyon ng mga nasawing suspek ang isang cal. 40 baril at isang .9 millimeter pistol at ilang identification cards. Nakumpiska rin ang motorsiklong gamit ng mga salarin.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

GENNY ALAMON

LACUNA ST.

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

POLICE COM

RONALD IMPANTE

SHY

SOUTH SUPERHIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with