^

Metro

Binatilyo utas sa cargo truck

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 16-anyos na binatilyo nang masagasaan ng rumara­gasang cargo truck habang naki­kipaglaro sa kalye sa mga kaibigan sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Jayvee Baltazar, isang out-of-school youth ng Purok 2 Isla Puting Bato, Tondo, Maynila.

Arestado naman ang suspect na si Rodolfo Garcia, 33, binata, driver, ng San Pablo Bata Aliaga, Nueva Ecija.

Sa ulat ng Manila Police District dakong alas-5:00 ng umaga nang naganap ang insidente sa Spurlina Road, Area F, Parola Compound, Tondo.

Nauna rito, naglalaro ang biktima kasama ang mga ka­ibigang sina Rodman Caldo, 14; at JM Masiglat, 12, nang sa pagtakbo ng una ay nahagip ng rumaragasang cargo truck na minamaneho ni Garcia. Ang katawan ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa St. Yvan Funeral Homes.

vuukle comment

AREA F

ISLA PUTING BATO

JAYVEE BALTAZAR

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NUEVA ECIJA

PAROLA COMPOUND

RODMAN CALDO

RODOLFO GARCIA

SAN PABLO BATA ALIAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with