^

Metro

Walang helmet sinita, pulis utas

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis ang nasawi matapos itong barilin ng sinita niyang rider dahil­ walang suot na helmet habang nagmamaneho kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Hospital sanhi ng dalawang tama ng kalibre .45 baril sa tiyan ang biktimang si PO1 Christopher Estor, 34, ng Abalos Bukid St., Gumamela Extension, Brgy. Marulas, Valenzuela City at nakatalaga sa Mobile Patrol Group ng Navotas City Police.

Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga tauhan ng Navotas City Police upang maaresto ang suspek na nakilalang si Allan Castro alyas “Metalica”.

Sa inisyal na report ng Station Investigation Division (SID), Navotas City Police­, naganap ang insi­dente dakong­ alas-12:00 ng hatinggabi sa kahabaan ng R-10, North Bay Boulevard ng nabanggit na siyudad.

Nabatid na sakay ng isang mobile patrol ang biktima at ilang kasamahan nitong pulis kung saan habang nagpa­patrulya sa nabanggit na lugar nang mamataan nila ang suspek na nagmamaneho ng Kawasaki Fury (4373-OD) at walang suot na helmet, dahilan upang sitahin ito ng na­turang mga alagad ng batas.

Pinara nila ang suspek upang sitahin at tumigil naman­ ito, pagbaba ng mga pulis sa mobile patrol kasama si PO1 Estor ay biglang nagpaputok ang suspek na si Castro.

Dito ay tinamaan ng ilang beses si PO1 Estor at hindi man lamang nakaganti ng putok ang mga kasamahan nitong pulis at nang nakabulagta na ang biktima ay ma­bilis na tumakas ang nabanggit na suspek.

Si PO1 Estor naman ay mabilis na isinugod ng kanyang mga kasamahan sa nabanggit na ospital, subalit hindi na nakarating ng buhay.

ABALOS BUKID ST.

CHRISTOPHER ESTOR

ESTOR

GUMAMELA EXTENSION

KAWASAKI FURY

MOBILE PATROL GROUP

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

NORTH BAY BOULEVARD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with