Natalsikan ng laway, obrero pumatay

MANILA, Philippines - Patay ang isang biyudo na sinaksak ng kanyang kasamahan makaraang ma­talsikan ng laway ng una ang huli habang nagtatalo kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ang biktimang si Amador Romero Jr., 39, ng Bagong Silang, ng nabanggit na siyudad na dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center.

Hinahanting naman ng Caloocan City Police ang suspek na si Genie Amante­, 45, ka-lugar ng biktima.

Sa impormasyong na­kalap ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng ma­da­ling-araw malapit sa bahay ng biktima.

Nabatid na parehong lasin­g­ ang biktima at suspek at dahil sa makukulit na ang mga ito ay nauwi ang pag-aaway­ sa mainitang pagtatalo.

Lalong naasar ang suspek nang matalsikan umano ito ng laway ng biktima hanggang sa parehong bumunot ng patalim ang mga ito at nagsaksakan.

Subalit agad na napuruhan ang biktimang si Romero dahilan upang isugod ito sa nabanggit na pagamutan ng kanyang mga kaanak, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Samantala, sa kabila na may tama rin ng saksak ang suspek na si Amante ay na­kuha pa rin nitong makatakas.

Patuloy na iniimbestigahan ang nasabing insidente.

Show comments