^

Metro

Dalagang dentista utas sa holdaper

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isa na namang dentista ang naging biktima ng kilabot na holdaper kung saan pinas­lang ito sa pamamagitan ng pananaksak sa loob ng kanyang klinika, kamakalawa ng hapon sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Myla Viado, 32, dalaga, ng Brgy. Ususan, Taguig City. Wala na itong buhay nang abutan ng mga kasamahan sa klinika dahil sa tadtad ng saksak sa katawan.

Sa inisyal na ulat ng Makati City Police, dakong alas-3 kamakalawa ng hapon nang madiskubre ang bangkay ni Viado ng kapwa doktor na si Dra. Amalia Bulaon at as­sistant na si Marjorie Sta. Isabel sa loob ng Bulaon & Aguila Me­dical and Dental Clinic na nasa 9th Avenue, Brgy. East Rembo, Makati.

Ayon sa dalawa, iniwan nilang mag-isa si Viado upang kumain ng tanghalian sa labas. Medyo natagalan umano sila at sa kanilang pagbalik ay dito bumulaga ang bangkay ni Viado na naliligo sa sariling dugo. Agad namang humingi ng saklolo ang dalawang babae sa mga tauhan ng barangay at sa Police Community Precinct 7.

Bagama’t pagnanakaw ang hinihinalang motibo sa pagpatay matapos matuklasan na nawawala ang bag at cellphone ng dentista, hihintayin pa rin ng pulisya ang resulta ng isasa­gawang awtopsiya sa bangkay upang alamin kung minolestiya rin ang biktima bago pinatay ng salarin.

vuukle comment

AGUILA ME

AMALIA BULAON

BRGY

DENTAL CLINIC

EAST REMBO

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MARJORIE STA

MYLA VIADO

VIADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with