^

Metro

Reklamo vs may-ari ng Toyota Camry (ZCT 575)

-

MANILA, Philippines - Nagpaabot na ng reklamo sa himpilan ng pulisya ang bisor ng isang spa clinic sa Parañaque City laban sa hindi kilalang lalaki na sinasabing may-ari ng Toyota Camry na may plakang ZCT 575 kaugnay sa panggugulo at pananakit sa nasabing lugar. 

Sa reklamo ni Vandam Arcilla sa pulisya, unang pumasok ng U2 Spa Health Clinic ang maskuladong lalaki na sinasabing lango sa alak mula sa nasabing kotse bandang alas-10:30 ng gabi noong Biyernes.

Sa hindi nabatid na dahilan ay hindi nito nagustuhan ang serbisyo ng massage therapist kaya sinapak at dinuru-duro saka lumabas ng spa clinic bandang alas-11:55 ng gabi.

Sa labas ng span clinic ay napagdiskitahan naman si Arcilla kung saan tinuhod nito sa mukha bago nagmamadaling sumakay sa nasabing kotse.

Hindi naman napigil ng security guard ng massage parlor ang sakay ng nabanggit na kotse dahil nagpakita pa ito ng baril na aminoy’ nananakot.

vuukle comment

ARCILLA

BIYERNES

CLINIC

KOTSE

NAGPAABOT

SPA HEALTH CLINIC

TOYOTA CAMRY

VANDAM ARCILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with