^

Metro

Guro ni-rape slay sa Valenzuela

- Nila Jerry Botial, Pete Laude at Lordeth Bonilla -

MANILA, Philippines - Umabot sa 36 na saksak sa katawan ang tinamo ng isang 43-anyos na guro sa isang private prep school na hubo’t hubad na natagpuang patay sa loob ng kanyang kuwarto kamakalawa sa Valenzuela City.

Ang biktima ay nakilalang si Nerissa De Guia, biyuda, guro sa Nuestra Señora De Guia Pre-School na matatagpuan sa Brgy.Balangkas at residente ng F.Santos St., Brgy.Pasolo ng lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Josefino Pagtama na ang biktima ay hinalay muna bago sinaksak   sa katawan at leeg na sariwa pa ang mga dugo nang ito ay matagpuan ng kanyang dalawang anak na tinedyer.

Wala pang pagkakakilanlan ang awtoridad sa suspek na umano ay maaaring ka­kilala ng biktima dahil sa walang force of entry sa pagpasok sa kuwarto nito.

Nabatid na kabibiyuda lang ng biktima noong isang taon at kasama nito sa bahay ang dalawang anak na isang 14-anyos at 15-anyos na natutulog sa kabilang ku­warto.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima na na­mamalantsa dakong alas-10:00 ng gabi noong Sabado sa kuwarto ng mga anak.

Nabatid din na nawawala ang dalawang cellphone, silver bracelet at hindi pa madeterminang halaga ng salapi.

vuukle comment

BALANGKAS

BRGY

DE GUIA PRE-SCHOOL

JOSEFINO PAGTAMA

NABATID

NERISSA DE GUIA

NUESTRA SE

PASOLO

SANTOS ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with