^

Metro

Putol na paa nakuha sa drainage

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Palaisipan sa mga awtoridad ang natagpuang putol na kanang paa ng isang lalaki na sa isang drainage sa gilid ng main entrance ng Manila North Ce­ metery, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat ni PO2 Crispino Ocampo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5 ng hapon nang nakita ang putol na paa ng ilang flower vendor at ipinagbigay-alam kay Edwin Bacolco ng City Security Force.

Bagama’t kinumpirma ni Ocampo na paa ng isang lalaki ang natagpuan, wala naman umano silang impormasyon kung may insidente ng ‘chop-chop’ sa lungsod.

Posible din uma­ nong sa ibang lugar naganap ang insidente suba­lit iti­napon lamang sa Maynila upang iligaw ang imbestigas­yon ng pulisya.

Magsasagawa pa ng imbestigasyon upang ma­resolba ang kaso ng putol na paa ng tao habang inilagak sa isang punerarya ang nasabing paa.

vuukle comment

BAGAMA

BATAY

CITY SECURITY FORCE

CRISPINO OCAMPO

CRUZ

EDWIN BACOLCO

MAGSASAGAWA

MANILA NORTH CE

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with