^

Metro

2 todas, 1 sugatan sa ambush

- Nina Ludy Bermudo at Ricky Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang mar­ket helper at ginang habang sugatan ang isa pa matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspect sa Maynila at Quezon City kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Nessel Senturias, 24, ng Area A Gate 1 Parola compound, Bi­nondo  dahil sa tinamong dalawang bala sa katawan habang idineklara namang dead on arrival sa FEU Hospital si Michelle Basa, 44, ng no. 10 Ashley St., Brgy. West Fairview sa lungsod.

Nadaplisan naman sa noo si Rolando Ba­lugo, 23, isang construc­tion worker,  ng Area 1 Gate 5 Parola com­pound, Bi­nondo.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jupiter Tajonera­ ng Manila Police District-Homicide Section­, dakong  alas-2 ng ma­daling-araw nang biglang lumutang ang dal­awang armadong sus­ pect sa harapan ng mga biktimang sina Senturias at Balugo na nag-iinuman sa Area H, Parola compound, Tondo, Maynila.

Agad na pinaputukan ng mga suspect si Balugo sa noo subalit agad din itong naka­takbo kasabay ng sunud-sunod na putok.

Dito na nakita ni Balugo ang kaibigan na nakahandusay at wala ng buhay.

Samantala, sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD), nangyari ang pamamaril kay Basa sa may harap ng Atherton School, Atherton St., Brgy. West Fairview ganap na alas-12:45 ng hapon.

Sakay ang biktima ng Honda CRV (XGY-667) na minamaneho ng kanyang kaibigang si Lester Gatchalian nang biglang sumulpot sa tabi ng sasakyan ang isang motorsiklo at agad itong pinaputukan ng kalibre 45 baril.

Matapos ang pa­ma­maril ay agad na tumakas ang mga suspect habang ang biktima naman ay nagawa pang maisugod ni Gatchalian sa FEU hospital.

Inaalam pa ng pu­lisya ang motibo ng mga suspect sa pagpatay sa mga biktima.

vuukle comment

AREA A GATE

AREA H

ASHLEY ST.

ATHERTON SCHOOL

ATHERTON ST.

BALUGO

SHY

WEST FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with