^

Metro

Drug pusher patay sa buy bust

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Utas ang isang hindi pa nakikilalang drug pusher ha­bang nakatakas naman ang isa pa matapos ang isinagawang buy bust operation kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Dead on the spot ang suspect na inilarawan ni Manila Police District-Police Station 3 Station commander Supt.James Afalla, na nasa edad na 30-40, may taas 5’6-5’8, maitim. Nagtamo ito ng tama ng bala sa katawan, habang nakatakas naman ang isa pa nitong kasama.

Naganap umano ang insidente dakong ala-1;30 ng madaling-araw sa may panulukan ng Severino St. at Claro M. Recto, Sta.Cruz, Maynila.

Ayon kay Afalla, nabulilyaso ang buy bust operation ng makita ng isa sa dalawang suspect na may dalang baril ang pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Kaagad umanong bumunot ng baril ang mga suspect na noon ay nakasakay sa isang kulay silver na Toyota Vios (ZSI-186) dahilan para gumanti ang mga tauhan ni Afalla.

Narekober sa nasawing suspect ang isang .38 kalibre at dalawang sachet ng shabu.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya.

vuukle comment

AFALLA

AYON

CLARO M

CRUZ

JAMES AFALLA

KAAGAD

MANILA POLICE DISTRICT-POLICE STATION

MAYNILA

SEVERINO ST.

TOYOTA VIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with