^

Metro

Parak utas sa sinitang kelot

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Utas ang isang miyembro ng Manila Police District (MPD) nang barilin ng isa sa dalawang lalaki na kanilang sinita habang nagsasagawa ng beat patrol inspection­ sa Port Area, Maynila kama­kalawa ng gabi.

Binawian ng buhay sa Manila Doctor’s Hospital ang biktimang si PO1 Edchelle Ayon, 34, nakatalaga sa Bagong Lupa-Police Community Precinct (PCP) ng MPD-Station 5, na nakakasakop sa area ng insidente at residente ng Block 14 Old Site Baseco, Port Area, Maynila.

Sugatan naman ang isa sa suspect na si Alex Razul Alang, 47, jeepney driver, na nagantihan ng putok ng na­sawing pulis. 

Sa ulat ni PO3 Mario Asilo ng MPD-Homicide Section, dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng Masjidur Raheem Incorporated, Mosque compound, Blk. 1, Aplaya, Baseco, Port Area.

Nabatid na kasama ni PO1 Ayon si PO2 Joseph Gabe, 39, nakatalaga sa nasabi ring PCP sa beat patrol inspection sa na­sabing lugar nang mapuna ang kahina-hinalang kilos umano ng suspect at isa pang di nakilalang lalaki.

Papalapit pa lang ang dalawang pulis nang paputukan agad ng suspects si Ayon na agad namang gu­manti ng putok sa suspect na si Alang. Nakatakas umano ang isa pang suspect.

vuukle comment

ALEX RAZUL ALANG

AYON

BAGONG LUPA-POLICE COMMUNITY PRECINCT

EDCHELLE AYON

HOMICIDE SECTION

JOSEPH GABE

MANILA DOCTOR

MANILA POLICE DISTRICT

MARIO ASILO

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with