^

Metro

Lalaki nag-dive mula sa 28th floor ng condo

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Nagpasalubong kay kamatayan ang isang hindi kilalang lalaki matapos na mag-dive mula sa ika-28 palapag ng condominium sa Mandaluyong City kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa edad 30 hanggang 35, may taas na 5’5’’ talampakan,  medyo may katabaan, nakasuot ng berdeng t-shirt na may tatak na Nike at itim na short pants.

Sa inisyal na ulat ni SP02 Disilito Custodio ng Criminal Investigation Unit ng Mandaluyong City PNP, dakong alas-12:33 ng madaling-araw nang mahulog ang biktima mula sa ika-28 palapag ng G. A. Tower sa panulukan ng Epifanio Delos Santos Avenue at Boni Avenue sa Mandaluyong City.

Ayon sa ilang saksi, nakarinig sila ng malakas na kalabog at nang usisain ay bumulaga ang duguang ka­tawan ng lalaki.

Sinabi pa ni Custodio na nakikipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng condominium kaugnay sa naganap na insidente.

Sinisilip naman ng pulisya ang anggulong suicide o kaya sinadyang ihulog ang biktima.

vuukle comment

AYON

BONI AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CUSTODIO

DISILITO CUSTODIO

EPIFANIO DELOS SANTOS AVENUE

KASALUKUYANG

MANDALUYONG CITY

NAGPASALUBONG

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with