^

Metro

Riding-in-tandem todas sa pulis

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dalawang miyembro ng “Bahala na Gang” ang namatay matapos resbakan ng putok ng mga pulis na nagsasagawa ng check point, na tinangkang takasan ang inspeksiyon matapos parahin ang sinasakyan nilang motorsiklo, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot ang mga suspect na sina Joey Fernandez, 30, pedicab driver at Hector Fernandez, 30, walang trabaho, kapwa residente ng Area H, Gate 56, Parola compound, Binondo, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Ramir Dimagiba ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente, na nagmula sa isang eskinita hanggang sa loob ng isang bahay sa #231 Sgt. Mabagos St., Tondo, Maynila.

Bago ang insidente, nagsasagawa ng check point ang mga tauhan ni Supt. Jemar Modequillo, hepe ng MPD-Station 2, nang dumaan ang riding-in-tandem sa motorsiklong may plakang  6422-OM kung saan magkaangkas ang mga suspect.

Sa halip na huminto, pinaharurot ang motorsiklo sa direksiyon ng Zaragosa St. kaya’t hinabol at inabutan sa Mabuhay St. Nawalan umano ng balanse ang motorsiklo at bumaligtad ang dalawa at nagpaputok umano si Joey  sa direksiyon ng mga pulis.

Nagawa namang makatakbo si Hector at nakarating sa Pag­hanapin St. at pumasok ito sa bahay ng isang Evelia Enriquez. Dito ay nagawa niyang i-padlock ang bahay at tinangkang i-hostage­ ang nakatirang  matanda. Habang nasa loob ng nasabing bahay si Hector ay nagpalipas ng ilang minuto bago umakyat sa rooftop at nagpalipat-lipat sa bubong ng ibang bahay hanggang sa nakarating sa 3rd floor ng isa pang bahay  sa Mabagos St. Sinira ang lock ng bahay hanggang sa mapasok umano ang ikalawang palapag, habang ang mga pulis ay nag-aantabay sa kanyang paglabas.

Nang nanawagan ang mga pulis na sumuko ito ay nanlaban umano kaya pinaputukan ng mga pulis na naging dahilan ng pagkakabaril sa kaniya. Nakuha sa crime scene ang isang kalibre 45 at 38 baril at mga basyo ng bala.

vuukle comment

AREA H

BAHAY

EVELIA ENRIQUEZ

HECTOR FERNANDEZ

JEMAR MODEQUILLO

JOEY FERNANDEZ

MABAGOS ST.

MABAGOS ST. SINIRA

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with