^

Metro

Pekeng NBI, tiklo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Timbog ang isang 42-anyos na lalaki habang guma­gala na may dalang baril sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dinakma si Philip de Villa, ng Quezon City dahil sa illegal possession of firearm and ammunitions matapos makumpiska sa kaniya ang kalibre .45 baril at usurpation of authority nang magpanggap pa itong ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).

Nang hanapan ng ID, wala itong maipakita.

Sa ulat, dakong alas- 7:10 ng gabi ng mapuna ng mga barangay tanod na naglalakad ang suspect sa Galicia St. Sampaloc. Maa­ngas pa umanong sumagot ang suspect na siya ay NBI agent nang tanungin kung bakit may dalang baril.

Matapos beripikahin nabatid na hindi ito ahente ng NBI kaya diniretso ito sa pre­sinto.

vuukle comment

DINAKMA

GALICIA ST. SAMPALOC

MAA

MATAPOS

MAYNILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

TIMBOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with