^

Metro

Iniwan ng nobya, 16-anyos nagbigti

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - “Napapagod na din ako, paalam sa inyo mahal ko kayo pati ikaw Mickaru kaso di nyo ako magawang pasayahin sa kabila ng paghihirap ko sa iyo.” Ito ang bahagi ng nilalaman ng suicide note na iniwan ni Dominick Tatel, 16, 3rd year high school student sa St. Anthony de Padua at nakatira sa Dagonoy St., Singalong, Maynila.

Sa imbestigasyon, na­tagpuang walang buhay at nakabigti ang biktima dakong alas-6:45 ng gabi sa loob ng comfort room sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nabatid na huli umanong nakitang buhay ng kanyang tiyuhin na si Edward Tatel ang biktima dakong alas-5 ng hapon na katabi pa niyang nano­nood ng telebisyon pero tumayo at umalis.

Sinabi ni Edward na ilang araw na niyang napapansin ang pagiging malulungkutin ng pamangkin matapos makipagkalas dito ang kasintahang si Mickaru na posibleng da­hilan ng pagpapakamatay nito.

vuukle comment

DAGONOY ST.

DOMINICK TATEL

EDWARD TATEL

MAYNILA

MICKARU

NABATID

NAPAPAGOD

PADUA

SINABI

ST. ANTHONY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with