^

Metro

1 pang suspect sa Ramgen slay, sumuko sa NBI

-

MANILA, Philippines - Lumutang na kahapon sa NBI ang sinasabing “middle man” sa pagpatay kay Ramgen Revilla noong nakaraang taon. Kasama ni Ryan Pastera ang kanyang abogado na si Atty.Cesar Batuigas nang magtungo sa tanggapan ni Atty. Reynaldo Esmeralda, ng Special Investigation Division dakong alas-7:00 ng umaga.

Si Pastera ay matagal nang hinahanap dahil siya ang itinuturong “middle man” sa kasong pagpatay kay Ramgen at tangkang pagpatay sa nobya nitong si Janelle Manahan. Dahil dito, marami naman ang umaasa na mabibigyan na ng linaw ang kaso sa paglutang ni Pastera kung sino ang tunay na mastermind sa naganap na pagpatay sa aktor.

Gayunman, nilinaw naman ni Atty. Batuigas na kusang-loob na sumuko ang kanyang kliyente para mabigyang-linaw ang usapin at malinis ang kanyang pangalan. Nanatili namang tikom ang bibig ni Pastera at tumangging magbigay ng panayam hinggil sa naturang kaso.

Samantala, magsasampa naman ng mosyon sa Parañaque City Regional Trial Court ang mga abogado ni Manahan para utusan ang NBI na ibigay sa korte ang kustodiya ni Pastera. (Doris Franche at Danilo Garcia)

vuukle comment

CESAR BATUIGAS

CITY REGIONAL TRIAL COURT

DANILO GARCIA

DORIS FRANCHE

JANELLE MANAHAN

PASTERA

RAMGEN REVILLA

REYNALDO ESMERALDA

RYAN PASTERA

SI PASTERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with