^

Metro

Bading sinabuyan ng asido ang lover

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dahil sa labis na selos, binuhusan muna ng asido sa mukha ng isang ba­ding ang kanyang lover bago tinangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ika-16 na palapag ng tinutuluyan nilang condominium sa lungsod Quezon, kahapon.

“Mahal na mahal ko siya, gusto ko nang magpakamatay, na mental stress ako,” ito ang binabanggit ni Joseph Fedelin, 44, English on-line teacher ng Korea, matapos na mailigtas ng mga tropa ng Quezon City Police District Station 10, mula sa bintana ng ika-16 na palapag ng Victoria Tower condominium na matatagpuan sa Panay Avenue corner Timog.

Ayon kay SPO1 John Sales, ng Station Investigation Division ng PS10, tu­magal ng halos 2 oras bago tuluyang nakumbinsi si Fe­delin na sumama sa kanila nang maayos habang hawak ang sugatang kamay na kanyang nilaslas. 

Samantala, ginagamot sa Capitol Medical Center ang umano’y kinasama nitong si Jefferson Quitaleg, call center agent, matapos na magtamo ng mga sugat sa kanyang mukha at katawan dahil sa umano’y pagbuhos ni Fedelin ng muriatic acid dito.

Ayon sa inisyal na ulat, bago ang insidente, linggo pa lang ng gabi ay nag-aaway na umano ang dalawa dahil sa umano’y pagkakaroon ng bagong lover ni Jefferson na nakilala sa alyas na Dong.

Sinasabing limang taon nang nagsasama ang dalawa at nanunuluyan sa nasabing condominium, hanggang sa malaman ni Fedelin na nagloloko umano si Quitaleg noon pang nakaraang taon.

Sinabi ni Sales, kahapon ng alas-9 ng umaga habang nagpapahinga si Quitaleg sa kanilang kama ay kumuha ng muriatic acid si Fedelin saka binuhusan ito sa mukha. Nagsisigaw sa sakit si Quita­leg, dahilan para kumuha naman ng patalim si Fedelin saka naglaslas ng kanyang pulso, bago tumuntong sa beranda, partikular sa bintana nito para umano magpakamatay.

Sa puntong ito, nang ma­kita ng mga residente si Fe­delin na nakaupo sa bintana ay agad na ipinagbigay-alam sa pulisya ang insidente na agad namang rumesponde sa lugar at isinagawa ang negosasyon.

Matapos ang isang oras, nailabas ng mga awtoridad si Quitaleg sa kuwarto at isinugod sa nasabing ospital, habang patuloy namang kinakausap ng mga negos­yador sa bintana si Fedelin.

Makalipas ang halos dalawang oras, ganap na alas-12:11 ay nakumbinsi ng mga awtoridad si Fedelin na bumaba at sumama sa mga ito.

Ayon kay Fedelin, gusto na niyang tapusin ang kanyang buhay dahil matapos ang pagmamahal na ginawa niya sa kinakasama ay nakuha pa siyang lokohin nito.

“Pakiusap ko lang sa mga lalaking may karelasyong bading na maging faithful naman sila sa kanilang partner, dahil marunong din kaming masaktan,” sabi pa ni Fedelin habang bitbit ng mga awtoridad para dalhin sa malapit na ospital at magamot ang kanyang sugat sa kaliwang pulso.

vuukle comment

AYON

CAPITOL MEDICAL CENTER

FEDELIN

JEFFERSON QUITALEG

JOHN SALES

JOSEPH FEDELIN

PANAY AVENUE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

QUITALEG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with