^

Metro

P1-M tangay sa Western Union

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Hinoldap ng limang hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang sangay ng Western­ Union Money Transfer at natangay dito ang humigit-kumulang sa isang milyong cash sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Base sa inisyal na report ng Caloocan City Police, dakong alas-7:00 ng uma­ga nang maganap ang insi­dente sa isang sangay ng Western Union na matatagpuan sa Quirino Highway, ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na bubuksan ng teller na si Gilbert Gutierrez, 33, ang naturang tanggapan, nang sumulpot ang mga suspek sabay tutok ng baril.

Hindi na rin nakaporma ang guwardyang si Joselito Bingao dahil naunahan at kinuha ang kanyang .9mm na baril ng mga suspek.

Pinabuksan ng mga suspek ang vault bago kinuha ang P953 cash at $6,921 at bago tumakas ay binaklas ng mga suspek ang close circuit television.

Nagsumbong naman sa mga pulis sina Gutierrez, kung saan nagsasagawa na ng follow-up hinggil dito.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

GILBERT GUTIERREZ

HINOLDAP

JOSELITO BINGAO

NABATID

QUIRINO HIGHWAY

UNION MONEY TRANSFER

WESTERN UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with