^

Metro

2 huli sa ecstasy sa QC

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawang binata na pina­niniwalaang nagpapakalat ng drogang “ecstasy” ang naaresto ng mga ope­ratiba sa isinagawang anti-drug ope­ration ng Quezon City Police District, iniulat kahapon.

Kinilala ni Chief Insp. Richard­ Tubiera Ang, hepe ng District Anti-Illegal Drug-Special Operation Task Group ng QCPD, ang mga suspect na sina Melchidek Canlapan, 19, ng Talipapa, Novaliches, QC; at Joe Lim, 28, ng Arellano St., Caloocan City.

Ayon sa ulat, ang dalawa ay nasakote matapos na ma­ispatan habang pagala-gala sa may kahabaan ng Morato Avenue, Brgy. Sacred Heart sa lungsod.

Sinasabing ang anti-drug operation ay bunga ng impormasyong natanggap ng DAID-SOTG na “ecstasy” ang pangunahing isinusuplay ngayon sa mga bar sa na­sabing lugar.

Bilang tugon sa na­sabing impormasyon, agad na nag­sa­gawa ng magkahiwalay na operation ang tropa sa na­sabing lugar. Ganap na alas-8:30 ng umaga nang maaresto si Canlapan sa nasabing lugar, kasunod nito ang pagkaka-aresto naman kay Lim sa nasabi ring lugar.

Nasamsam umano kay Canlapan ang isang plastic sachet na naglalaman ng “ecstasy” habang kay Lim naman ay dalawang piraso nito.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kinakaharap ngayon ng mga suspect.

vuukle comment

ARELLANO ST.

CALOOCAN CITY

CANLAPAN

CHIEF INSP

DRUG-SPECIAL OPERATION TASK GROUP

JOE LIM

MELCHIDEK CANLAPAN

MORATO AVENUE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with