^

Metro

Engineer pinasabog ang bungo

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Isang engineer ang malapitang binaril sa ulo na agad nitong ikinasawi habang ito ay papalabas ng barber shop sa Marikina City, kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Reynaldo Cano, 48, ng Villa Anma Subd., Brgy. Domingo, Lucena City. Nabatid na ganap na alas-9:00 ng umaga ng magpagupit ng buhok sa Bulldog Barber Shop sa Katipunan Road corner Ordonez St., Marikina Heights ang biktima at nang papalabas na ito sa nasabing barberya ay sinalubong siya ng isang hindi pa kilalang suspek at malapitang binaril sa ulo. Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang tricycle na patungo sa direksiyon ng Antipolo Rizal. Ayon sa pulsiya, ang ginamit na baril ng salarin ay isang caliber 9mm dahil na rin sa basyo ng bala na nakuha sa pinangyarihan ng krimen. Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang Marikina police para matukoy ang motibo ng pamamaslang at upang madakip ang salarin.

vuukle comment

ANTIPOLO RIZAL

AYON

BULLDOG BARBER SHOP

KATIPUNAN ROAD

LUCENA CITY

MARIKINA CITY

MARIKINA HEIGHTS

ORDONEZ ST.

REYNALDO CANO

VILLA ANMA SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with