^

Metro

Lalaki patay sa kapitbahay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 31-anyos na lalaki makaraang pagtatagain ng kanyang kapitbahay matapos na kampihan ang kanyang asawa at anak sa isang pagtatalo, kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

 Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon dahil sa tatlong taga sa katawan ang biktimang si Apolinario Villas, naninirahan sa Block 4 Kadima Letre, Tonsuya, ng naturang lungsod.

Nakatakas naman ang suspect na nakilalang si Aldrin Arandia, alyas Popoy, residente rin ng naturang lugar.

 Sa ulat ng Malabon City Police, naganap ang krimen dakong alas-5:30 ng hapon sa tapat ng bahay ng biktima. 

Bago ang pananaga, unang sinaway ni Villas ang anak ni Arandia na huwag maglaro sa tapat ng kanilang bahay dahil sa may bisita siya.

Narinig naman ito ng ina ng bata na si Michelle na inakala na pinapagalitan ang kanyang anak kaya nagresulta sa kanilang pagtatalo. Isinumbong naman ng babae ang insidente sa kanyang mister na si Arandia na galit na kumuha ng itak at agad na inatake si Villas habang palabas ng bahay.  Nagawa pang makatakbo ni Villas ngunit sinundan pa rin ito ng suspect at dalawang beses pang tinaga bago mabilis na tumakas.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Malabon police sa insidente ngunit huli na ang mga ito at hindi na naabutan sa kanyang bahay si Arandia. 

Nakatakda namang sampahan ng kasong murder ng pulisya ang naturang suspect.

vuukle comment

ALDRIN ARANDIA

APOLINARIO VILLAS

ARANDIA

ISINUMBONG

KADIMA LETRE

MALABON

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MICHELLE

PAGAMUTANG BAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with