^

Metro

3 bata nilatigo sa pagsakay sa tourist train

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tatlong menor-de-edad na sinasabing napagtripang sumakay sa tourist train ang natulala matapos la­tiguhin ng isang opisyal ng train sa Lu­neta kamakalawa ng  gabi sa Maynila.

Nagtamo ng pasa sa leeg, batok at braso ang mga bata mula sa latigo ng suspek na si Sylvia Principe, 50.

Sa salaysay ng tiyahin ng dalawa sa mga bata, hindi dapat sinaktan ni Principe ang  mga biktima dahil lamang sa pagsakay sa tourist train. 

“Maaari namang sawayin ni Principe ang mga bata at hindi dapat pag­buhatan ng kamay na maaaring magdulot ng masamang epekto,” pahayag pa ng tiyahin.

Lumilitaw na bandang alas-10 ng gabi nang mamangha ang isa sa biktima sa tourist train dahil sa unang pagkakataon niyang nakita kaya tinangka ng mga ito na sumakay.

Sa panig naman ni  Principe, sinaway niya ang mga bata subalit binato siya nito kaya napilitang hatawin ang mga ito.

Gayon pa man, nakatakda namang kasuhan ng  mga biktima ang suspek.

Samantala, inaalam naman ni Manila Welfare and Social Development chief Jay dela Fuente kung nagkaroon ng amicable  settlement ang suspek at mga biktima.

Ipatatawag naman ni Dela Fuente ang  hepe ng  Womens’ Desk at ang mga ma­gulang ng 3 bata.

vuukle comment

DELA FUENTE

FUENTE

GAYON

IPATATAWAG

LUMILITAW

MAAARI

MANILA WELFARE AND SOCIAL DEVELOPMENT

SYLVIA PRINCIPE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with