4 na buwan sanggol, tinangay
- Ni Ludy Bermudo () - December 22, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang lalaking mataba, nasa edad na 30 hanggang 34, 5’4’’ hanggang 5’5 ang taas, maitim ang pinaghahanap ngayon ng pulisya matapos umanong tangayin ang isang 4-buwang sanggol sa isang parke, sa Sta. Ana, Maynila, nitong nakalipas na Lunes.

Ito naman ang idinulog sa tanggapan ni C/Insp. Anita Araullo, ng Manila Police District-Women and Children Protection Desk ni Ma. Victoria Vasquez, 19, ng 1984 San Vicente st., Pasong Tamo, Sta. Ana, Maynila kaugnay sa pagtangay sa kanyang anak na si Mark Vincent.

Naganap umano ang insidente nitong Disyembre 19, dakong alas 10:00 ng umaga, habang nalilibang ang kanyang mga kaibigan sa pagkukuwentuhan sa Paraiso ng Batang Maynila,sa P. Gil st, Sta Ana.

Aminado siya na nakaidlip siya habang ang mga kaibigan ang nag-aalaga sa kanyang beybi at hindi umano akalain na ang isang lalaki na kakilala lamang sa mukha, na madalas sa parke ang tatangay sa sanggol.

AMINADO ANITA ARAULLO BATANG MAYNILA MANILA POLICE DISTRICT-WOMEN AND CHILDREN PROTECTION DESK MARK VINCENT MAYNILA PASONG TAMO SAN VICENTE STA ANA VICTORIA VASQUEZ
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with