^

Metro

NAPOLCOM nagbabala sa swindling group

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa publiko sa bagong grupong nagpapakilalang International Police Commission (Interpolcom) na nadiskubre nilang sangkot sa iba’t ibang iligal na aktibidad sa bansa.

Sinabi ng NAPOLCOM na nagsasagawa ng mga iligal na aktibidad ang grupo sa ilalim ng pagpapanggap bilang legal na tagapagpa­tupad ng batas sa bansa. Nagpapakilala pa umano ito bilang organisasyon na may akreditasyon ng pamahalaan ng Pilipinas at ng United Nations­ (UN).

Ang naturang babala ay ginawa matapos na anim na miyembro ng grupo ang masakote kamakailan ng mga tauhan ng Philippine Center for Transnational Crimes-Visayas Field Office, Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA), at AFP-Military Intelligence Group7 sa Mactan-Cebu International Airport nang magtangkang mag-aplay ng grupo para sa “temporary pass” upang tulu­ngan umano ang paliparan sa pangangalap ng intelihensya.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa grupo ang limang kalibre .45 baril na kumpleto ng mga bala na may mga kaduda-dudang mga papeles.

Nabatid na noong 1987, unang nagsumite ng kahili­ngan ang grupo kay dating Executive Secretary Catalino Macaraig para bigyan ng rekognisyon ang grupo at awtoridad para makipagnegosasyon sa UN para sa anumang uri ng paghingi ng pinansyal na tulong.Nadiskubre ng NAPOLCOM na ang grupo ay isang “non-stock, non-profit” na organisasyon na nagre-recruit ng mga miyembro kasama ang pa­ngako ng matataas na mga suweldo, mga benepisyo, pagbibigay ng badges at identification cards at pagbibigay ng military rank kapag nagbigay ng P500 membership fee.

vuukle comment

EXECUTIVE SECRETARY CATALINO MACARAIG

GRUPO

INTERNATIONAL POLICE COMMISSION

MACTAN-CEBU INTERNATIONAL AIRPORT

MACTAN-CEBU INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

MILITARY INTELLIGENCE

NATIONAL POLICE COMMISSION

PHILIPPINE CENTER

TRANSNATIONAL CRIMES-VISAYAS FIELD OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with