^

Metro

Sariling ulo pinukpok ng bato, patay

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang lalaking may diprensiya sa pag-iisip matapos na pukpukin nito ng bato ang sa­riling ulo sa Mandaluyong City, kama­kalawa ng hapon.

Ang biktima na nagtamo ng mga bukol sa ulo at sugat ay nasawi habang dinadala sa Mandaluyong City Medical Center ay kinilalang si Faustino Igmo, 32, walang tiyak na tirahan.

Sa ulat ni PO3 Marvin Masangkay ng Criminal Inves­tigation Unit (CIU) ng Mandaluyong City Police, nabatid na dakong alas-3:30 ng hapon kama­kalawa nang pukpukin ng bato ang kanyang sariling ulo ni Igmo sa Brgy. Malamig, Boni Ave­nue, Madaluyong City.

Sinasabing, tinangkang awatin ang biktima ng mga nakakitang residente sa kanyang ginagawa subalit sa halip na tumigil ay lalo pang nilakasan ang pagpukpok ng bato sa kanyang ulo kahit duguan na ito.

Makalipas ang ilang mi­nuto ay nahilo ang biktima dahil na rin sa dami ng du­gong nawala sa kanya kaya naisugod pa sa pagamutan pero nalagutan din ng hininga.

Ayon sa report, ang biktima ay palaging nakikitang pagala-gala sa lugar na wala sa sarili at nagsasalita ng mag-isa na tanda ng pagkakaroon niya ng kapansanan sa pag-iisip.  

vuukle comment

AYON

BONI AVE

CRIMINAL INVES

FAUSTINO IGMO

MADALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

MANDALUYONG CITY POLICE

MARVIN MASANGKAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with