^

Metro

2 bus nagsalpukan: 12 pasahero sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Labing-dalawa katao ang nasu­ga­tan sa salpukan ng dalawang pampasaherong bus sa may kahabaan ng EDSA sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Traffic Sector 1 ng Quezon City Police District, ang mga na­sabing biktima ay pawang mga pasahero ng Roval Transport bus na agad na itinakbo sa East Avenue Medical Center matapos na magtamo ng mga sugat sa kanilang mga ulo, mukha at katawan.

Nangyari ang insidente sa may south-bound lane ng EDSA ganap na alas-3:45 ng madaling-araw.

Diumano, tinatahak ng Roval Transport bus na minamaneho ni Mario Denovo ang nasabing kalsada nang biglang salpukin nito ang huling bahagi ng Starbus na minamaneho naman ng isang Rolando­ Rivera. 

Sa lakas ng pagkakasalpok ng Roval bus sa Starbus nasugatan ang 12 sakay na pasahero ng huli matapos na tumilapon at tamaan ng mga bubog na galing sa mga nabasag na salamin at mabangga ang kanilang katawan sa upuan.

Agad namang isinugod sa East Ave­nue Medical Center ang mga sugatan para malapatan ng lunas.

vuukle comment

DIUMANO

EAST AVE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

MARIO DENOVO

MEDICAL CENTER

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROVAL TRANSPORT

STARBUS

TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with