^

Metro

Lolo niloko na, pinatay pa

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 63-anyos­ na lolo makaraang saksakin ng security guard na kanyang kapitbahay matapos na mapikon ang una sa biro ng huli na umano’y may sunog, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakilala ang nasawi na si Carlito Lampera, karpintero, ng Block 4, Damata St., Letre, Brgy.Tonsuya ng nasabing lungsod.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Jojo Jaylo, ng nabanggit ding lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 ng gabi ng maganap ang insidente nang kumatok pa ang suspek sa bahay ng biktima para lamang sabihin at lokohin ang matanda na may nagaganap na sunog.

Halos nataranta umano ang biktima hanggang sa mabatid nitong walang sunog at niloloko lamang siya ng kapitbahay na sekyu.

Dito na nagalit ang ma­tanda hanggang sa humantong sa pakikipagtalo sa suspect.

Sa kainitan ng komprontasyon ay biglang bumunot ng patalim ang sekyu at inundayan ng saksak ang biktima.

vuukle comment

BRGY

CARLITO LAMPERA

DAMATA ST.

DITO

JOJO JAYLO

LETRE

MALABON CITY

NAKILALA

PATAY

TINUTUGIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with