^

Metro

Inuman niratrat: 4 utas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Apat katao ang nasawi habang dalawa pa ang malubhang na­sugatan matapos pagbabarilin ng anim na armado­ng kalalakihan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Liberato Paez, 50; Rogelio De Ocampo, 36; Rogelio Agustin, 49; at Germinio Manansala, 44.

Sugatan naman sina Zaldy Ballesteros, 43; at Armando Garcia, 47.

Agad namang nag­lahong parang bula sa lugar ang mga suspect matapos ang krimen na naglakad lamang patungo sa Freedom Park.

Ayon sa ulat ni SPO1 Pascual Fareag, naganap ang insidente habang nag-iinuman ang anim na biktima sa labas ng isang tahanan sa Kaibigan St., Kalayaan B, Brgy. Batasan Hills ganap na alas- 9:25 ng gabi.

Nasa kasarapan ng inuman ang mga biktima nang biglang dumating ang mga suspect na pawang mga armado ng baril at pinagbabaril ang mga una.

Matapos ang pa­mamaril ay nagsipagtakbo papalayo ang mga suspect. Hindi pa mabatid kung ano ang posibleng motibo sa pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa naturang insidente. (with trainee Mary Jaramie Caluma)

vuukle comment

ARMANDO GARCIA

BATASAN HILLS

FREEDOM PARK

GERMINIO MANANSALA

KAIBIGAN ST.

KALAYAAN B

LIBERATO PAEZ

MARY JARAMIE CALUMA

PASCUAL FAREAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with