^

Metro

Kelot utas sa saksak ng best friend

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang kaibigan dahil sa selos sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing bik­tima na si Allan Boña, ng Peras St. Brgy Manggahan Pasig City.

Arestado naman ang sus­pect na si Sanly Abello. residente rin sa naturang lugar.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa bahay ng suspect na matatagpuan sa Florville St. Delta Village Extension Brgy. Tandang Sora sa lungsod ganap na alas-6:45 ng gabi.

Sinasabing bisita ng pa­milya Abello si Boña kung saan masaya pa silang nag-inuman sa labas ng kanilang bahay.

Papauwi na si Boña ay tinawag ito ng asawa ng suspect na si Neneng na pumasok muna sa loob at kumain bago umalis.

Dito ay nagselos umano ang suspect na nauwi sa mainitang pagtatalo ng mag-asawa. Tinangka namang awatin ni Boña si Abello su­balit siya naman ang pinagbalingan ng galit nito.

Mula dito ay kumuha ng patalim ang suspect at saka pinagsasaksak ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan na ikinamatay nito.

vuukle comment

ABELLO

ALLAN BO

ARESTADO

DITO

FLORVILLE ST. DELTA VILLAGE EXTENSION BRGY

KINILALA

PERAS ST. BRGY MANGGAHAN PASIG CITY

SANLY ABELLO

TANDANG SORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with