^

Metro

Riding-in-tandem bulagta sa shootout

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bulagta mula sa motorsiklo ang riding-in-tandem na armado ng machine gun nang gantihan sila ng putok ng mga awtoridad na kanilang pinaputukan habang sila ay sinusundan sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa dalawang nasawi habang narekober sa mga bangkay ng mga ito ang baril, dalawang magazine na kargado ng bala; at cash na P7,000.

Sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang ireport ng concerned citizen sa Station 4 ang kahina-hinalang kilos ng dalawang lalaki na may bitbit na mahabang baril sa panulukan ng España at Algeciras Sts. sa Sampaloc.

Agad rumesponde ang mga pulis at beniripika ang lugar kung saan nandoon pa ang mga sinasabing suspect. Nang maispatan ng mga ito ang tropa ng pulisya ay agad silang pinaputukan ng bala ng baril dahilan upang gumanti ng putok ang mga awtoridad na ikinasawi ng mga ito.

Dinala ang bangkay ng mga suspek sa Funenaria Cruz para sa awtopsiya at safekeeping.

vuukle comment

ALGECIRAS STS

BARIL

BULAGTA

DINALA

ESPA

FUNENARIA CRUZ

MAYNILA

NANG

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with