^

Metro

Sanggol itinapon sa basura

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Isang babaeng sanggol na hinihinalang namatay habang ipinanganganak o naagasan ang ina ang mistulang isang bagay lamang na isinupot sa plastic at itinapon sa basurahan, sa Bacood, Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng tanghali.

Sa ulat ni SPO1 Amelito Lopez, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-12 ng tanghali nang ireport ang insidente sa nakakasakop na si Barangay Chairwoman Davey Roa, ng Brgy 616,  Zone 61.

Isang tagahakot ng ba­sura mula sa Leonel Waste Management ang nakadiskubre sa sanggol na may nakakabit na inunan at pusod, na nakasilid sa sando plastic bag na dilaw na may tatak na “SM” ang kapapa­nganak na sanggol.

Ayon kay Lopez, posibleng namatay ang beybi habang isinisilang ng ina sa hilot o nakunan ang ina kaya ibinasura na lamang ang bata.

Iniimbestigahan pa kung sino ang responsible sa pag­ tatapon ng sanggol.

vuukle comment

AMELITO LOPEZ

AYON

BACOOD

BARANGAY CHAIRWOMAN DAVEY ROA

BRGY

INIIMBESTIGAHAN

ISANG

LEONEL WASTE MANAGEMENT

LOPEZ

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with