^

Metro

2 patay sa pamamaril, pananaksak

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang magkasunod na pinaslang sa lungsod ng Malabon sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril at pananaksak kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling-araw.

Unang nasawi dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi si Ernesto dela Cruz, 25, residente ng Tea­chers Village, Brgy. Catmon. Mag-isang naglalakad ang biktima sa may Dulong Hernandez St. sa naturang ba­rangay nang harangin ng apat na hindi nakilalang mga lalaki.

Isa sa mga lalaki ang tumutok ng baril kay Dela Cruz at sunud-sunod na pinag­babarilin ito saka ma­ bilis na nagsitakas.  Wala nang buhay ang biktima nang matagpuan ng mga residente ang bangkay nito habang malakas ang buhos ng ulan.

Dakong alas-3 naman kahapon ng madaling-araw nang pagsasaksakin hanggang sa masawi ang 31-anyos na si Raymond Dizon, ng Hernandez St., Brgy. Catmon. Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa naturang lugar kasama ang mga suspect na nakilala lamang sa mga alyas na Bukol at Ian nang magkapikunan ang mga ito.

Isa sa mga suspect ang nagbunot ng patalim at undayan ng saksak ang biktima sa dibdib bago mabilis na nagsitakas. Agad namang isinugod ng mga kaanak ang biktima sa Pa­ga­mutan Lungsod ng Ma­la­bon ngunit hindi na ito uma­bot ng buhay.

vuukle comment

BRGY

CATMON

DELA CRUZ

DULONG HERNANDEZ ST.

HERNANDEZ ST.

ISA

RAYMOND DIZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with