^

Metro

Nagduwelo: Pulis, welder sugatan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Kapwa sugatan ang  isang pulis at isang welder matapos magduwelo nang sitahin ng una ang huli kung bakit may dala itong baril kahapon sa Caloocan City.

Ginagamot ngayon sa Commonwealth Hospital and Medical Center si Ernesto Jimenez, 44,  nakatalaga sa Aviation Security Command, at residente ng Pangarap Village at si Juan Suela, 48, ng Mountain Heights Subdivision, Caloocan City na kapwa tinamaan sa kaliwang hita.

Sa report ng pulisya, naganap ang in­si­dente dakong alas-12:30 ng tanghali sa harapan ng isang tindahan sa Mountain Heights Subdivision.

May kausap si Jimenez sa nabanggit na lugar   nang dumating si Suela na bibili ng sigarilyo at napansin ng pulis ang nakasukbit na baril sa beywang ng welder.

Sinita umano ni Jimenez si Suela at sina­bihan ng “Kuting, Demonyito ka” na naging dahilan upang umiwas na lang ang huli.

 Dito na nagbunot ng baril si Jimenez at pinutukan si Suela kung kaya’t nakipag­pambuno na ang huli hanggang sa mapu­tukan si Jimenez.

Matapos ang insidente ay dinala sina Jimenez at Suela sa nasabing ospital kung saan kapwa nagsampa ng kasong frustrated homicide.

Inaalam na rin ng mga pulis kung may dating alitan sina Jimenez at Suela.

vuukle comment

AVIATION SECURITY COMMAND

CALOOCAN CITY

COMMONWEALTH HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

ERNESTO JIMENEZ

JIMENEZ

JUAN SUELA

MOUNTAIN HEIGHTS SUBDIVISION

PANGARAP VILLAGE

SUELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with