^

Metro

Ex-con tinaniman ng bala sa ulo, todas

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng isang 21-anyos na ex-convict nang taniman ng bala sa ulo ng hindi pa nakilalang sus­pect sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot ang bik­timang si Kenneth Talaga, construction helper, miyembro ng Sputnik gang at residente ng B3 Sawata, C-3 Road, Caloocan City.

Pinaghahanap naman ang suspect na inilarawan na may taas na 5’6’’ nakasuot ng puting short pants at cowboy na sombrero at armado ng hindi nabatid na kalibre ng baril na sinasabing kaswal na naglakad nang makasiguro na patay na ang biktima.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon ng maganap ang pamamaril sa harap ng Harbor Center Main Gate na nasa Road 10, Tondo, Maynila. Nakaupo umano ang biktima sa bangketa at may kausap sa cellphone nang lumapit ang suspect at walang sabi-sabing binaril ang biktima.

Lumilitaw naman na may isang buwan pa lamang na nakakalabas ng kulungan ang biktima dahil sa kasong ‘robbery”. Gayunman, ina­alam pa ng pulisya ang mo­tibo ng pamamaslang.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

GAYUNMAN

HARBOR CENTER MAIN GATE

KENNETH TALAGA

LUMILITAW

MAYNILA

NAKAUPO

PINAGHAHANAP

SABOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with