^

Metro

Pizza parlor hinoldap

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Hinoldap ng dalawang hindi pa nakikilalang mga holdaper na nagpanggap na kostumer ang isang sangay ng Pizza Hut sa Caloocan City kahapon.

Tinatayang aabot sa P26,000 ang natangay ng mga suspek sa Pizza Hut na matatagpuan sa kahabaan ng 10th Avenue ng nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na report ng Caloocan City Police, dakong alas-12:15 ng madaling araw, pumasok ang mga suspek sa nabanggit na establisimento at nagkunwaring mga kostumer.

Dumiretso ang mga suspek sa counter, subalit sa halip na umorder ay naglabas ng baril at tinutukan ang empleyadang si Jennifer Santos.

Nang makuha ang pakay ay mabilis na tumakas ang mga suspek at sumakay sa puting taxi (UVE-352)

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing in­sidente.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DUMIRETSO

HINOLDAP

JENNIFER SANTOS

NAGSASAGAWA

NANG

PIZZA HUT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with