^

Metro

3 tiklo sa bigong holdap

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Napigilan ang posibleng panghoholdap sa isang sanglaan makaraang madakip ang tatlong hinihinalang kilabot na hol­daper habang tinitiktikan ng mga ito ang naturang establisimento, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Naaresto ng mga rumespondeng tauhan ng Pasay City Police-Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ang mga suspek na nakilalang sina Mark Santos, 33; Dante Bungcayao, 44, at Jonathan Peñaflor, 24, pawang mga miyembro ng Batang City Jail.

Sa ulat ng pulisya, napansin ng mga security guard ng Cebuan­a Lhuiller Pawnshop na nasa Gil Puyat Avenue, Pasay ang kahina-hinalang kilos ng tatlong suspek sa tapat ng sanglaan dakong alas-3:45 kamakalawa ng hapon.

Napansin umano ng isa nilang sekyu ang nakabukol sa gilid ng isa sa mga suspek kaya agad nilang isinara ang sanglaan at isinumbong ito sa kanilang manager na mabilis na humingi ng responde sa Pasay police.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang sitahin at palibutan ng mga tauhan ng Pasay Police-SIDMS. Nakuha sa posesyon ng mga suspek ang isang kalibre .38 rebolber, isang Magnum .357 at isang patalim.  

vuukle comment

BATANG CITY JAIL

DANTE BUNGCAYAO

GIL PUYAT AVENUE

JONATHAN PE

LHUILLER PAWNSHOP

MARK SANTOS

PASAY

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE-STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with