^

Metro

Parak na terror ng mga vendor inireklamo

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Isang pulis ang ini­reklamo ng pangongotong ng mga vendor na halos sa bangketa na natutulog dahil sa kahirapan sa paligid ng Juan Luna at Ylaya sa Divisoria, Binondo, Maynila.

Ayon sa reklamo ng isang vendor na tumangging magpakilala, kinokolektahan sila ng tig P100 kada linggo ng umano’y isang PO2 Edgardo Bue­naventura, na nakatalaga sa Manila Police District-Police Station 11.

Kapag hindi umano nakapagbigay ay tinatakot at itinataboy ni Bue­naventura ang mga natutulog sa bangketa.

Nagsisilbing kolektor din ni Buenaventura, kilala sa tawag na “Tura”, ang isang Ricky na umano’y isang drug addict at pusher sa lugar at umano’y biyenang hilaw ni Buenaventura, dahil kinakasama umano nito ang anak ng huli.

Dahil dito, umapela din ang mga vendor kay MPD Director Chief Supt. Roberto Ronga­villa, na maisailalim sa drug test si Buena­ventura dahil sa impormasyon na gumagamit rin ng ipinagbabawal na gamot.

Si Buenaventura ay dati umanong nakata­laga sa Special Opera­tion Group (SOG) noong panahon ni dating Manila Mayor Lito Atienza.

vuukle comment

AYON

BUENAVENTURA

DIRECTOR CHIEF SUPT

EDGARDO BUE

JUAN LUNA

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILA POLICE DISTRICT-POLICE STATION

SHY

SI BUENAVENTURA

SPECIAL OPERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with