^

Metro

72-anyos lolo nilamon ng apoy

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang 72-anyos na lolo makaraang matusta sa loob ng kanilang nasunog na tahanan sa Pasig City kahapon ng umaga. Kini­lala ng pulisya ang nasawi na si Crisanto Albaña Sr., ng #16 Villa Reyes Compound sa JV Miguel Street, Barangay Bambang.

Sa imbestigasyon ni FO3 Joey Bautista ng Pasig Fire Bureau­, naganap ang sunog dakong alas-8:55 ng umaga kung saan naapula sa loob lamang ng 20-minuto. Sinasabing sa loob ng kuwarto ng matanda nagsimula ang apoy kaya hindi na nagawa pang iligtas ng kanyang mga kasambahay.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ni FO3 Bautista na nag-short circuit ang linya ng electric fan matapos mag-init kung saan umapoy at kumalat sa buong kabahayan. Gayon pa man, aabot sa P.2 milyong halaga ng ari-arian ang naabo habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY BAMBANG

BAUTISTA

CRISANTO ALBA

GAYON

JOEY BAUTISTA

KALUNUS

MIGUEL STREET

PASIG CITY

PASIG FIRE BUREAU

VILLA REYES COMPOUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with