^

Metro

TANOD inilunsad ni Joy B sa QC

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Inilunsad ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa tulong ng Philippine Council of Kali Escrima Arnis Masters (PCKEAM) ang programang Training in Arnis and Neighbor­hood Orga­nized Defense (TANOD).­

Layunin ng programang ito na maipakilala ang isport na arnis sa mga mamamayan sa lungsod at maitampok ng lokal na pamahalaan ang arnis bilang bahagi ng programang pang-isports kasunod ng pagkakatatag dito bilang pambansang isport sa ilalim ng RA 9850.

Nais din ni Vice Mayor Bel­monte na patatagin ang sportsmanship, respeto at disiplina sa hanay ng mga barangay tanod na mabigyan ng sapat na kaalaman sa pagtugon sa anumang kaguluhan para mapa­ngalagaan ang mamamayan sa bawat komunidad.

 Una nang naipatupad ang programa sa District 1 – Barangay Masambong covered­ court, District 2 – Barangay Holy spirit – Gi­larme covered court at Barangay Baesa covered court, District 3 – Barangay Milagrosa covered court at District 4 Amo­ranto Sports Complex sa Oktubre 1 at 2.   

vuukle comment

ARNIS AND NEIGHBOR

BARANGAY BAESA

BARANGAY HOLY

BARANGAY MASAMBONG

BARANGAY MILAGROSA

PHILIPPINE COUNCIL OF KALI ESCRIMA ARNIS MASTERS

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

SHY

SPORTS COMPLEX

VICE MAYOR BEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with